Ang ‘kard smeraldo’ ay isang panibagong serbisyo ng pagkolekta ng mga basura na hindi na maaring iresiklo: ito ay isang malaking basurahan na may drawer sa ibabaw na nabubuksan sa pamamagitan ng isang kard, ang “carta smeraldo”.
Nakalagay na sa iba’t-ibang sulok ng sentro ng Bologna at sa mga quartiere ng Savena, Santo Stefano at Porta-Saragozza ang mga basurahang ito at ilalagay na rin sa quartiere ng San Donato-San Vitale. Makakatanggap ng kard smeraldo, na kakailanganin upang mabuksan ang basurahan at maitapon ang mga basurang hindi na maaring iresiklo, ang mga naninirahan o mga negosyante kung ang buwis sa basura o Tassa Rifiuti o TARI ay nakapangalan sa kanila.
Kasama ng kard smeraldo, may ibibigay din na code para iactivate ang “Il Rifiutologo”, isang libreng app, upang maaring gamitin ang smartphone bilang isang bertwal na kard smeraldo.
Maaring kunin ng isa sa mga kapamilya o rehistradong kasambahay ang kard smeraldo pagkatapos makompleto ang isang deklarasyon o isang form (modulo A) na may kasamang kopya ng isang valid ID.
Kung sa iyo nakapangalan ang TARI o buwis sa basura at nais mong ipakiusap sa ibang tao ang pagkuha ng iyong kard, kailangan mong ikompleto o fill-out ang isang authorization form (modulo B) at ikabit ang kopya ng valid ID mo at ng taong iyong inatasan.
Kung ikaw ay isang negosyante, maari mong atasan ang iyong empleyado o ibang tao. Kakailanganin lamang na kompletuhin o i-fill out ang isang authorization form (modulo B) at ikabit ang kopya ng valid ID mo at ng taong iyong inatasan.
Kung sakaling mawala ang iyong kard, kailangang ipaalam sa Ufficio Relazioni con il Pubblico (sektor ng Entrate) na matatagpuan sa piazza Liber Paradisus, 10 – torre A – first floor sa pamamagitan ng pagkompleto o pag-fill out ng isang deklarasyon. Kailangan ding ireport sa opisinang ito kung sakaling manakaw ang iyong kard.
Kung ikaw ay nakatira sa sentro o sa quartieri ng Savena, Santo Stefano o Porta-Saragozza at hindi mo pa nakukuha ang iyong kard smeraldo, maaring pumunta sa Ufficio ng TARI (tassa rifiuti) at kunin ang iyong kard kahit walang appointment.
📞 Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa 800 037688 (toll-free number gamit ang landline o celphone) tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas 9 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi at tuwing Sabado alas 9 ng umaga hanggang ala-una ng hapon.
📞 Para sa karagdagang impormasyon ukol sa kard smeraldo, tumawag lamang sa toll-free number 800 999500 ng customer service ng Hera tuwing Lunes hanggang Biyernes alas 8 ng umaga hanggang alas 6 ng hapon o konsultahin ang website ng Il Rifiutologo.
→ Mag-click dito para sa karagdagang impormasyon