Anu-ano ang mga kailangan upang maipasok sa paaralan ang isang batang may edad na mas mababa sa anim na taong gulang?
Kung ang iyong anak ay may edad na mas mababa sa tatlong taong gulang, ang pamamaraan ng pag-enrol sa isang nursery school ay online lamang, sa website ng Comune. Kakailanganin mo ang mga sumusunod: ang ISEE, ang residenza, at ang mga kredensyal ng iyong SPID. Kung ikaw ay nagtatrabaho, kakailanganin din ang mga impormasyon ukol sa iyong trabaho. Kung ikaw ay isang estudyante, kakailanganin ang sertipiko ng enrollment.
Kung ang edad ng iyong anak ay nasa pagitan ng tatlo at limang taong gulang, kailangan mo siyang i-enrol online sa Preschool o ang tinatawag na “scuola materna” . Kakailanganin mo dito ang iyong SPID, impormasyon ukol sa iyong trabaho kung meron at sertipiko ng enrollment kung ikaw ay nag-aaral.
Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa Tagggapan “Ufficio Scuola” ng iyong quartiere. Ito ang numero ng telepono.
Kung wala kang computer o kailangan mo ng tulong sa pagsagot ng pormularyo ng enrollment online, maaring humingi ng appointment sa tanggapan “Ufficio Scuola”. Tutulungan ka ng tanggapan sa bagay na ito.
📍 Address: Via Pietralata, 60 - Bologna
📧 E-mail: scuoleportosaragozza@comune.bologna.it
☎️ Tel: 0512197811
Mga oras ng pagtanggap ng telepono:
Araw-araw, sa umaga, mula 10:00 hanggang 12:00
Martes at Huwebes din sa hapon mula 2.30pm hanggang 4.30pm
Anu-ano ang mga kailangan upang ipa-enrol ang isang batang may edad na higit sa anim na taong gulang at mas bata sa labingtatlong taong gulang?
Kung ang iyong anak ay may edad na higit sa anim na taong gulang at mas bata sa labingtatlong taong gulang, maari mo siyang ipasok sa mababang paaralan o sa tinatawag na “scuola elementare” o ipasok sa mataas na paaralan o sa tinatawag na “scuola media”. Para sa mga karagdagang impormasyon, kailangang pumunta sa tanggapan ng mga paaralan na malapit sa inyong tirahan. Ang pag-enrol ay online sa website ng MIUR (Ministero dell’Istruzione).
Istituto Comprensivo n. 18
Porto-Saragozza/Centro Storico
📍Address: Via Galliera, 74
☎️ Tel: 051 247635
Istituto Comprensivo n. 17
Porto-Saragozza/Centro Storico
📍 Indirizzo: Via Calori, 8
☎️ Tel: 051 555760
Kailangan mo ba ang serbisyo “mensa” o serbisyong nag-aalay ng tanghalian sa paaralan? O kailangan mo ba ang serbisyong pre-scuola, ibig sabihin ang pagpasok ng iyong anak sa paaralan bago mag alas 8:30 o serbisyong post-scuola, ibig sabihin ang pagsundo ng iyong anak sa paaralan lampas ng alas 4:30 ng hapon?
Maaari mong hilingin ang mga serbisyong ito online sa website ng Comune ng Bologna. Nakasaad sa baba ang link. Sa website, i-click mo ang “Iscrizioni on-line ai servizi educativi e scolastici del Comune di Bologna”.
Upang makapasok sa website ng Comune, kakailanganin mo ang kredensyal ng FEDERA (high security level password) o ang SPID.
May pagkamaselan ba ang kalusugan ng iyong anak at ito ba ay may sertipiko ng isang doktor?
Kung ang kalusugan ng iyong anak ay maselan o partikular at ito ay may katibayan na galing sa isang Doktor ng AUSL o Lokal na Kagawaran ng Kalusugan, kailangang isulat mo sa pormularyo ng enrollment ang sitwasyon ukol sa kondisyon ng kalusugan ng bata.
Nabakunahan ba ang iyong anak at kumpleto ba ang bakuna na natanggap niya?
Bago pumasok ang isang bata sa paaralan, kailangang napabakunahan na ito. Para sa karagdagang impormasyon, siyasatin ang website na nakasulat sa baba.
🏥 Impormasyon ng AUSL
🏢 Impormasyon sa mga pagbabakuna para sa mga bata sa kindergarten (Municipality of Bologna)
🏥 Impormasyon sa pagbabakuna para sa mga bata at kabataan (AUSL)
Papaano makahiling ng mas mababang bayarin sa pag-aaral at kontribusyon sa pambili ng mga libro?
Upang makahiling ng mas mababang bayarin sa pag-aaral at kontribusyon sa pambili ng mga libro, kakailanganin ang ISEE.
Upang makahiling ng kontribusyon sa pambili ng mga libro kinakailangang mag-apply online sa simula ng taon ng pag-aaral sa website ng Regione Emilia-Romagna na nakasulat sa baba.
Kung wala kang computer o kailangan mo ng tulong sa pagsagot ng pormularyo online, maaring humingi ng appointment sa tanggapan “Ufficio Scuola”ng iyong quartiere. Tutulungan ka ng tanggapan sa bagay na ito.
Kontribusyon para sa pagbili ng mga libro
Karagdagang informasiyon
📍 Address: Via Pietralata, 60 - Bologna
📧 E-mail: scuoleportosaragozza@comune.bologna.it
☎️ Tel: 0512197811
Mga oras ng pagtanggap ng telepono:
Araw-araw, sa umaga, mula 10:00 hanggang 12:00
Martes at Huwebes din sa hapon mula 2.30pm hanggang 4.30pm