ANG SPID
(Sistema Pubblico di Identità Digitale o
Sistema ng Pampublikong Digital ID)
(Sistema Pubblico di Identità Digitale o
Sistema ng Pampublikong Digital ID)
Ano at para saan ang SPID?
Ang SPID ay isang sistema ng pagpapatunay na nagbibigay-daan sa iyo na makapasok sa mga serbisyong online ng pamahalaan sa pamamagitan ng isang natatanging digital ID na tinatawag na “ SPID Id”. Gamit ang “SPID Id” maaaring makakuha ng mga kinakailangang sertipiko ng talaang sibil, mapa-enrol ang mga anak sa nursery school at sa preschool, magbayad ng buwis at kontribusyon at iba pa. Upang magamit ang “SPID Id” ikaw ay bibigyan ng mga kredensyal- ang username at password.
Papaano makakuha ng SPID Id?
May dalawang pamamaraan upang makakuha ng SPID Id:
Una: magparehistro sa isang serbisyong internet. May maraming serbisyong internet na nagbibigay ng SPID Id. Magkakaiba ang pamamaraan ng mga serbisyong ito. Maaari kang mag-click dito upang malaman ang tungkol sa mga pamamaraang ito.
Pangalawa: maaari ring makakuha ng SPID Id sa mga botika o parmasya ng Bologna na nag-aalay ng serbisyong ito.
Ito ang listahan ng mga botika o parmasya kung saan makakuha ng SPID Id:
Sa alin mang pamamaraan ng pagkuha ng SPID Id, kakailanganin mo ang mga sumusunod:
isang dokumentong italyano na balido tulad ng carta di identità o pasaporto o driver’s license;
ang iyong tessera sanitaria o health card;
ang iyong email address;
ang iyong numero ng telepono